Araw-araw, nagsusumikap si Tatay, maagang gumigising, nagtatrabaho nang matagal, at inuuna ang pamilya bago ang sarili. Lahat ng ito, para masigurong maayos ang buhay ng mga mahal niya. Pero paano kung isang araw, hindi siya makapasok sa trabaho dahil sa biglaang pagkakasakit? Isang emergency lang, puwedeng maapektuhan ang kita at maubos ang ipon ng pamilya. Karamihan sa mga tatay, hindi iniisip ang sarili nilang kalusugan. Pero ang totoo, ang tunay na pag-aalaga sa pamilya ay nagsisimula sa pagprotekta sa sarili. Dahil ang isang malusog at handang ama ay mas kayang gabayan ang pamilya sa bawat yugto ng buhay. Ang Father’s Day ay isang pagkakataon para pasalamatan ang mga tatay na araw-araw nagsusumikap para sa kanilang pamilya. Sa bawat sakripisyo, trabaho, at desisyong ginagawa nila, ipinapakita nila ang tunay na pagmamahal at dedikasyon. Pero habang iniisip ng mga tatay ang kapakanan ng lahat, mahalaga rin na maalagaan ang kanyang sariling kalusugan. Dahil ang isang malakas at malusog na ama ay mas handang makasama ang pamilya sa bawat mahalagang sandali. Hindi natin alam kung kailan darating ang biglaang pagkakasakit o pagka-confine sa ospital. Kaya ang pagkakaroon ng health or medical insurance ay isang mahalagang hakbang para maprotektahan sila at ang pamilya laban sa financial burden. Ang pagkakaroon ng health insurance ay isang praktikal na paraan para maging handa: Pag-manage ng gastusin sa pagpapagamot at recovery Pagtulong sa mga pangangailangan habang nagpapagaling Financial support kapag naapektuhan ang kita dahil sa pagkakasakit Mas malaking peace of mind dahil may proteksyon kapag may health emergencies With Paramount Direct, mas madali nang makakuha ng health insurance. Simple, affordable at maaaring gawin online. Dahil ang isang ama na may proteksyon ay isang ama na mas may lakas na magmahal, magtrabaho, at lumikha ng masayang alaala kasama ang pamilya. Bigyan natin sila ng proteksyon na pangmatagalan. Visit www.paramountdirect.com now.