“Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. I’m the only girl. Single mom with 2 kids [magkaiba ang tatay nila]. Even before I had my kids, sobrang hirap na ng buhay. Sunud-sunod ‘yung mga naging pagsubok sa pamilya namin. Na-rehab si Kuya Miguel dahil sa drugs, yung bunso naming si Herbert maagang kinuha samin ni Lord at si mama naman, na-mild stroke. Walang ibang inaasahan ang pamilya ko kung hindi ako lang. Habang naghahanap ako ng paraan para maibigay ang pangangailangan ng mga anak ko, kailangan ko ring isipin ang kapatid at magulang ko.
Fast forward to 2019, pumayag na akong ilabas sa rehab si Kuya Miguel pero nagkasundo kami na hindi siya pwedeng lumabas ng bahay at makipagbarkada. Pumayag naman siya, pero ang kondisyon ay ititira niya sa bahay ang mag-ina niya. Dahil mahal ko si kuya, pumayag ako. Si mama naman, tuloy ang maintenance medicines after niya ma-stroke. Yung eldest ko, nag-asawa na at sa akin din sila nakatira. Yung bunso ko single at nag-aaral pa ng college. May mga panahon na ‘yung ibang pinsan ko sa amin pa nakikitira ‘pag nagkakaproblema sa kanila. Isa akong empleyado ng isang private company at kahit above minimum ang sweldo ko, madalas kulang pa para matustusan ang pangangailangan ng bawat isa samin.” Jasmine, 36.
Familiar scenario?
It’s typical in a Filipino family setting na hindi laging ang panganay o pinakamatandang anak ang nagiging breadwinner. Madalas, kung sino ‘yung babae o mas bata, siya pa ang nabibigyan ng ganitong kabigat na responsibilidad. Minsan talaga, mararamdaman mo na parang pasan mo na ang daigdig at mapapatanong ka na lang kung bakit o hanggang kailan mo ba ito gagawin para sa mga mahal mo sa buhay.
Filipinos value their family so much and are almost always willing to go the extra mile for them. Naniniwala kasi tayo na walang mahirap basta sama-sama sa lungkot at saya. But, being a breadwinner can be a huge, and sometimes problematic, challenge.You will sacrifice many things and prioritize those who depend on you over yourself. Lalo na pagdating sa usaping pera. Being a breadwinner can take a toll on you financially. You’ll always encounter problems with budgeting and saving, and most of the time, your own needs and wants are set aside. Kaya kung nasa ganitong sitwasyon ka ngayon, you need to know where your money is going and learn how to manage it.
Here are some ways to help you financially ‘save’ yourself:
1. Communicate with your family. Talk to the other family members and verbally express how you feel. ‘Wag mahiya sa usaping pera. Kung pasan mo ang daigdig at feeling mo ay ‘di mo na kaya, sabihin mo ito sa kanila. If there’s open communication within the family, there’s less tension and more room for understanding and cooperation.
2. Organize your household. Hingin ang participation ng bawat isa na kasama sa bahay na magtipid. Bigyan ng task ang ibang kapatid o pamangkin sa pag-check ng mga gamit na hindi naman kailangang nakabukas, paghugot sa mga appliances na hindi naman ginagamit o pag-check ng mga tumutulong gripo. Kung umaga naman at maliwanag, baka pwedeng ‘wag na munang magbukas ng ilaw. Baka pwede na ring ipatanggal ang cable tutal lahat naman naka-cellphone at madalas ‘yon na ang ginagamit sa panonood. This way, you are also training them to be responsible. Hindi man makapagbigay ng financial help ang iba, makatutulong naman silang makabawas ng bayarin.
3. List down all your expenses. Makatutulong ito para malaman kung saan-saan napupunta ang perang inilalabas kada buwan. Plotting your budget and expenditures can also help you decide kung ano ang dapat bawasan o alisin.
4. Make a budget and encourage your family to live within your means. Mas mabuting alam ng lahat na hindi araw-araw, fiesta. Pagkasyahin ang ulam at bigas, hindi yung magtatawag pa ng barkada para mag-food trip sa bahay. Daig nyo pa ang tindahan sa kanto na bukas 24/7 para sa lahat ng gustong kumain.
5. Give something for yourself. Hindi porke’t breadwinner ka, lahat ay ibibigay mo para sa pamilya. Magtabi para sa sarili. You also have to think about yourself and start saving for your future. Remember, you cannot work your whole life at alam mong wala kang aasahang iba kung may mangyari man sa’yo na hindi inaasahan.
Why not explore the idea of investing or getting healthcare or life insurance for yourself? O ‘wag mo munang idahilan kaagad na wala ‘yun sa budget at hindi mo pa maisisingit sa bayarin ha! Dahil kung ‘di mo pa sisimulan ngayon, baka madaganan ka na ng daigdig na pasan-pasan mo. There’s always an affordable plan that can suit your budget, needs, and situation, at makatutulong ang Paramount Direct sa mga pasanin mo. Visit us at www.paramountdirect.com and let’s work on your plans together.
We salute and value the hardwork and dedication of all the young Pinoy breadwinners out there. Hangad naming mabigyan kayo ng protection and financial security habang patuloy ninyong itinataguyod ang inyong pamilya.